Archive for 2004/08


Hindi Kakalawangin ang Makinilya

Sa alaala ni “Manong” Antonio Zumel, peryodista ng sambayanan, Agosto 10, 1932-Agosto 13, 2001
Wala isa mang tuldok, Manong,
sa pahayagan ng iyong buhay.
Hindi kailanman kakainin ng kalawang
ang makinilya mong riple rin,
na ang bawat salitang iniukit sa papel
ay punlong sumagasa
sa matandang tanikala.
Ang nakalipas ng baya’y sagana
sa iyong mga bakas,
ngunit hinding-hindi ka lilipas:
balita kang hindi kailanman kukupas.