Sa Bawat Buhay na Maglaho sa Mindanao

Naliligo ang Mindanao sa dugo
ng mga taong binitay sa salang
paghahangad na mamuhay
nang hindi katulad ng mga hayop.
Sa MalacaƱang at sa Kampo Aguinaldo,
may mga naglalako sa White House
ng dugong walang-patid ang pag-agos sa Mindanao.

May bahagi nating pinapaslang
sa bawat buhay na maglaho roon.
Tayo na’t sa ating mga diwa’t puso
ay ipagtanim ng makataong buhay
ang mga kapatid natin sa Mindanao.

Leave a Reply »»