Archive for 2004/06


The Last Silence

She was born a daughter of the Church,
And guided by the hand of a priest.
Her mother gave her the love and faith;
But the priest taught her lies of the Beast.
When the bells make way for silence’s song,
The priest resumes his rhapsody’s dreams.
Her mother’s gone, no help from her now;
All alone with the false priest, she [...]

Hindi Nakapagtataka

I
Bawat patak ng pawis ni Ka Linong tumulo
sa pinapasukang pabrika
ay kalansing ng ginto sa sako
ng dayuhang kumpanya,
ngunit sa bawat matapos na araw
ay baryang parang limos lang ang naiuuwi niya.
II
Bawat punlang itanim ni Ka Selo
ay luntiang gintong inaani
ng propitaryong sumososyo
sa banyagang negosyante,
habang ang kanyang kinakain
ay sindami ng kangkong sa tuyong lupa.
III
At pagtatakhan pa ba
na ang kanilang [...]

Kapatid Ka ng Aming Bayan, Iraq

Iraq! Iraq!
Inilimbag sa dugo ang pagkakapatiran ninyo
ng aming bayan.
Ang laya mo’y gapos na gintong tanikalang
bitbit ng mga tagapagligtas
sa atas ni Tiyo Samuel–
ganyan ang aming kasarinlan.
Ilang inosenteng buhay
ang pinatid sa Balangiga’t Falluja?
Ilang bilanggo ang binuhusan ng dahas
sa Fort Santiago at Abu Ghraib?
At lahat nito’y sa ngalan daw ng ating paglaya.
Ngunit magkapatid nga
ang aming bayan at ikaw, [...]

Maikling Kwento, ATBPang Kaululan

Whoo, dapat nung June 13 ko pa ito ipo-post, kaya lang medyo nabubuwang ako nung mga nakaraang araw (kelan kaya ako ‘di buwang). Kamakailan kasi, nakatapos ako ng maikling kwento. Pangalawa na ‘to bali na natapos ko (marami akong nasusulat na kwento dati, kaya lang ‘di ko natatapos dahil nagiging masyadong detalyado).
Sa totoo, nung nasa [...]

Sa Bawat Buhay na Maglaho sa Mindanao

Naliligo ang Mindanao sa dugo
ng mga taong binitay sa salang
paghahangad na mamuhay
nang hindi katulad ng mga hayop.
Sa Malacañang at sa Kampo Aguinaldo,
may mga naglalako sa White House
ng dugong walang-patid ang pag-agos sa Mindanao.
May bahagi nating pinapaslang
sa bawat buhay na maglaho roon.
Tayo na’t sa ating mga diwa’t puso
ay ipagtanim ng makataong buhay
ang mga kapatid natin sa [...]