Kalatas kay Nick Berg
Ang mga pumugot sa iyong ulo
ay di silang kumitil
ng iyong buhay.
Ang mga pumaslang sa iyo
ay silang tagapamandila
niyaong digmaan ng kahayukan
sa “itim na gintong” ipinagbubuntis ng Iraq.
Sanlaksa man ng lahat ng dugo sa daigdig
ang ibubo nila,
kung kapalit ang pagbaha ng “itim na ginto”
sa Wall Street ay ano sa kanila?
May tanging puwang na laan sa kanila
sa yungib [...]