Wow, Hanep sa Design a!
Hanep, blog naman ngayon…today the Internet, tomorrow the World! Muahahahahahaaaa—*cough, cough*.
Mga dalawang taon na rin simula nung unang taon akong naging miyembro ng Tinig (teka, parang ganito rin yung sinulat ni Gela a—para kaming gumagawa ng testimonial para sa Tinig); Unang-una ko pang nadaluhang EB e nung Anib EB ng 2002 (nga pala, me EB tayo sa darating na Linggo). Sa forums nakilala ako bilang erkon dahil sa aking “kayabangan”. (Ano bang masama sa pagsasabi ng totoo? Talaga namang ako ang pinakaguwapong nilalang sa daigdig a!) Malaki rin ang itinulong ng Tinig sa lubos na pagkawala ko sa gapos ng depresyon at, kahit nagkahiwalay na ng landas ng mga dating kabarkada, e nagkaroon naman ng bagong mga kaibigan (hindi ka-ibigan, iba yun) dito sa Tinig. ^_^
Sa ibang usapan…
Hay, hindi ko pa rin naa-update sayt ko! Hirap ‘pag nagse-set ako ng deadline para sa update ng sayt, palaging nale-late (nauna ko pang ma-update v37 ng Tinig kaysa sariling sayt ko); ‘pag hindi naman ako nagbigay ng deadline, naa-update ko nang mas maaga.
‘Di bali, me nasulat na akong tatlong tula (me pito pang nakapila). Pagkatapos ng mga tula e kaunti na lang: tatlong maikling kuwento, at tatlong book review. Tapos ia-update ko na rin yung mga link ko.
Samantala, ihahandog ko muna sa inyong lahat ang pinakahuling tulang natapos ko:
======
End of Apocalypse
Upon the moaning wall, in rich blood,
Shall the Book of Heavens be written.
When Earth is made barren by Plague’s flood,
The final seal will then be broken.
In the world where beasts of hate ruled long
And where the seven angels contend,
The final choice between right and wrong
Unveils an alpha: Omega’s end.
The war to end all wars now comes near—
The last cry of anguish, last blood-let,
The last reign of Strife, or Freedom’s tear?
Only time can tell who’ll win the bet.
We must make our choice before the light’s death.
Do you play good’s, or evil’s wild song?
Will you let Hope die by the blight’s breath?
Which hand shall you guide to sound the gong?
Take up your arms and choose who’s your foe.
Shall it be the demons, or angels?
Whose head shall your vengeful blade bring low
In this blood-fed game of sentinels?
And when the trumpet heralds silence;
The symphony calls for the last choice.
Which soul shall rise into eminence?
Make your stand, and raise your mighty voice.
Be quick, and choose, before the moon’s wane.
Before darkness waxes evermore.
Sing the choice while our minds are still sane.
Let us swim from blackness to light’s shore.
======
(Wow, lupit ng font, bagay sa tula ko! Anong font kaya ang ginamit dito?)
Okey, yun na lang muna, at me date pa ‘ko mamayang 11—LOL.