Archive for 2004/05


Ang Lihim ni Madam Gloria

Ni Joi Barrios
Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy - Alliance of Concerned Teachers
Ang akala ng lahat
May layang magpahayag,
Ngunit tayo lang ay nalingat
May batas nang di mapaliwanag.
(Mayroon nga ba talaga? Tiyak na tiyak?)
May estasyon sa telebisyon,
Bawal magbilang ng resulta ng eleksiyon, May pahayagang waring pinagbawalan Tumanggap ng adbertisment ng kalaban.
Tanging ang Madam at kanyang mga [...]

EB ngayong Linggo

May kitaan tayo ngayong Linggo, Mayo 30, ng hapon. Gaganapin ito sa UP Diliman campus. Abangan ang eksaktong detalye sa e-group.

Malilinis at Malilinis ang Banga

Wala kang damit, Kamahal-mahalang Emperatris.
Nagtatago ka sa ilalim ng damit
na habi sa hanging sinulid:
di pa rin maikakaila ang iyong kahubaran.
Ang iyong paglapastangan sa hatol ng bayan
ay parang bulok na karne ng baboy
na isinilid sa banga:
isinisigaw ng alingasaw na nasa tabi-tabi lamang
ang kubling kabulukan.
Malilinis at malilinis ang banga,
Mahal na Emperatris.
Mene thecel phares.

Wow, Hanep sa Design a!

Hanep, blog naman ngayon…today the Internet, tomorrow the World! Muahahahahahaaaa—*cough, cough*.
Mga dalawang taon na rin simula nung unang taon akong naging miyembro ng Tinig (teka, parang ganito rin yung sinulat ni Gela a—para kaming gumagawa ng testimonial para sa Tinig); Unang-una ko pang nadaluhang EB e nung Anib EB ng 2002 (nga pala, me EB [...]

Kumusta, mga kuya at ate kong ka-Tinig!

Hay, sa wakas at nakapagpost narin ako dito sa blog ng Tinig.Com. Sa ngayon ay medyo abala ang inyong lingkod sa pagsusulat at sana ay maipasa ko na ito sa susunod na isyu.
Naalala ko lang na malapit na ang aking kaarawan, at tila kailan lang noong nabuo ang Tinig. Isa ako sa mga naunang [...]